Ellen Adarna, nagpayo

May malalim na payo ang aktres na si Ellen Adarna sa isang netizen na humihingi ng tulong sa kanya patungkol sa taong nanloloko at sa kanyang IG nga ay sinagot niya ang tanong ng netizen na ito.
"Advice sa mga taong niloko ng ilang beses pero pinapatawad pa din ng paulit ulit?" saad ng netizen.
Habang binabasa nga niya ang tanong ng netizen at napapakunot ito ng noo at tila hindi makapaniwala sa tinatanong sa kanya ng netizen.
"Wala nang advice advice dai! Di na uubra ang advice sa 'yo!" sabi ni Ellen. "Isa kang tanga!"
Matapos nga nito ay sinagot na ni Ellen ang iba pang tanong.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nang-real talk ang asawa ni Derek Ramsay sa publiko dahil talagang kilalang prangka si Ellen at kahit nga ang mga bashers nito ay tinutusta nito sa mga sagutan niyang maaanghang.
Kamakailan nga ay binara niya ang basher na pumupuna sa pag-aalaga niya sa kanyang mister.
Komento ng basher, "Unbelievable (crying face emoji)(face with open mouth emoji) I understand that maybe that's her human nature, but what is your husband gone or going through is not a joke. How can you laugh on top of your lungs while your husband is suffering and chasing his breath. Oh Bless Him."
Kaagad na bumwelta diyan si Ellen at sinabing hindi naman siya ang nag-aalaga kay Derek.
Sagot ng aktres, "@itsmeangelatan he was laughing at himself too so what's your problem?! Are u the one taking care of him? No. God bless you and your judgements."
