
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Isang 64-anyos na lola na natigil sa trabaho niyang pananahi ang nakatanggap ng maagang pamasko mula sa Talisay City Police sa Cebu at naiyak ito sa tuwa sa natanggap na mga biyaya.
Naging mapalad na benepisyaryo ng Christmas gift-giving ng kapulisan ang 64-anyos na si Lola Guillerma Labrador mula sa Sitio Ilang-Ilang, Barangay Lagtang.
Mahigit 20 taon nang mananahi sa isang pabrika si Lola Guillerma, at naninirahan ngayon sa nasira niyang bahay sa kasagsagan ng bagyong Odette noong nakaraang taon.
Natigil din si Lola Guillerma sa trabaho nang magkasakit, at pareho ring nawalan ng trabaho ang dalawa niyang mga anak at kahit may iniindang sakit, namamasukan pa si Lola Guillerma bilang kahera sa isang lotto outlet.
Hanggang sa makarating ang kaniyang paghihirap at pagpupursigi sa kapulisan ng Talisay City, sa pamamagitan ng kapitbahay nitong si Janice Hoy.
Nakatanggap ng sewing machine si Lola Guillerma, maliban pa sa grocery items, sa tulong ng Talisay City Chamber of Commerce, Trade and Industry at City Advisory Council.
Sinabi ng hepe ng kapulisan na sisikapin nilang matulungan si Lola Guillerma para maipaayos ang bahay nito.