
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng mga otoridad na isang bus ng lokal na pamahalaan ng Calasiao sa Pangasinan ang nilamon ng apoy matapos umanong paglaruan ng isang bata ang lighter na hawak nito sa loob ng bus.
Agad namang nirespondehan ng mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection ang nasusubog na bus.
Batay sa kuha ng CCTV, makikita ang tatlong menor de edad na pumasok sa nakaparadang bus. Ilang saglit pa, nagliyab na ang bus. Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente.
Tumagal ng 10 minuto bago naapula ang apoy, at tinatayang nasa P500,000 ang pinsala ng sunog.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na isa sa mga bata ang nagsindi ng apoy na dahilan ng pagkakasunog ng bus.
Ang dalawang bata na pumasok din sa bus ang nagsilbi umanong testigo sa nangyari.
Ipinatawag naman ng pulisya ang mga magulang ng tatlong bata.
Aaksiyon naman daw ang Municipal Social Welfare and Development Office para matulungan at mabigyan ng counseling ang mga menor de edad.
Samantala, nasawi ang isang lalaki na nakasagutan umano ang mga vendor matapos siyang kuyugin sa Cainta, Rizal.
Sa isang video ng isang concerned citizen, kitang-kita ang pagkuyog ng grupo ng mga lalaki sa isang lalaki sa Parola Street sa Barangay San Juan at wala nang malay ang kinuyog na lalaki, habang nakatakas ang mga nambugbog.
Binigyan ng first aid ng rescue team ang biktima, pero idineklara siyang dead on arrival sa ospital.
"Honestly medyo malala talaga 'yung injury na natamo niya, more on head injury, kasi meron kaming nakitang malaking bato doon sa gilid ng ulo niya. Then lacerated 'yung head part, tapos pingas na 'yung pinaka-tainga niya. Then nag-shallow pulse, pawala na 'yung pulso niya then nag-CPR na lang ang team. Na-revive naman pero by 5:30 ng umaga nawala rin," sabi ni Raylan Chavez ng Barangay San Juan Cainta Rescue.
Bukod dito, sinabi ng first responders na may nakita pa silang dalawang malaking bato sa tabi ng katawan ng biktima, na maaaring ginamit sa pananakit sa kaniya.
Naganap ang pambubugbog sa hilera ng mga pwesto ng tiangge noong bisperas ng pista sa Cainta.
Ayon sa mga saksi, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima, na nagtatrabaho sa ukay-ukay, at sa mga vendor.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…