
Patok ngayon sa social media ang kumakalat na usapan ng sexy actress na si AJ Raval at ng tao sa likod ng sikat na Facebook page na si Senyora dahil pinag-usapan ng dalawa ang kontrobersyang kinasasangkutan ng dalaga.
Nitong nakaraan kasi ay kumalat na nanganak na umano ang aktres na pinabulaanan naman nito.
"Haay akala [ko] wala tayong secret sa isa't isa," tanong ni Senyora kay AJ sa Instagram na sinagot naman ng aktres ng "Siraulo mga yan hahaha."
"Nanahimik ako dito (laughing emoji)" sabi pa umano ni AJ.
"Haaaay di ko na alam san maniniwala (angry emoji)" saad naman ng admin ng Senyora page.
Ito na nga ba ang sagot ng anak ni AJ Raval patungkol sa mga kumakalat na balitang diumano'y ipinanganak raw nito ang kanilang panganay ng aktor na si Aljur Abrenica.
Matatandaang ibinalita nina Ogie Diaz sa kanilang YouTube vlog na "Showbiz Update" na nakita raw ng kanilang source ang sexy actress sa isang ospital sa Pasig.
Kaya naman maraming news outlets ang nag-pick up ng istoryang ito lalo na't matagal na ngang iniintriga ang sexy actress na nagdadalangtao ito at ang ama ay si Aljur daw.
Ngunit sa kabila ng mga lumabas na balita ukol sa kanyang "pagbubuntis" ay naging tahimik nga ang sexy actress at missing in action rin ito sa naganap na screening ng kanyang pelikulang "Us X Her" noong November 21 ay wala ang Viva actress.