
Hindi na naitago ng Sawsawera Queen na si RR Enriquez sa latest social media ang pagkainis sa controversial vlogger na si Joel Mondina o mas kilala sa tawag na Pambansang Kolokoy dahil sa mga naging pahayag nito kamakailan.
Nagsabi kasi ang vlogger tungkol sa panloloko niya sa nakahiwalay niyang asawa at vlogger din na si Marites Mondina.
Nakita kasi ng reyna ng pakikisawsaw ang pag-flex ni Pambansang Kolokoy sa kaniyang bagong baby. Sabi nito, "Kahit ano pang sabihin n'yo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pagkakasala?
Walang ganu'n! Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa."
Hindi na ito makita sa social media account ni Joel kaya malamang binura na niya ito dahil sa dami ng nag-react at bumatikos sa kanya.
Pero na-save na nga ito at na-screengrab ng mga netizens kabilang na ang aktres-model at negosyanteng si RR.
"As a Sawsawera Queen I can't wait to shoot my sawsaw vlog to this post kaya better to say a word now… Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they're innocent. But don't justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing. ELBOW KITA KOYA YOU LIKE?" saad ni RR.
"Gigil much si Sawsawera Queen nyo," dagdag pa niyang mensahe kay Pambansang Kolokoy.
Kung matatandaan, ikinagulat ng mga tagasuporta ni Joel ang naging rebelasyon nito tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis. Inakala ng marami na prank lamang ito pero kinumpirma nga ng vlogger na totoo ang chika.