
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nahaharap na ngayon sa reklamong murder at frustrated murder ang apat na menor de edad na sangkot sa pananaksak sa isang mall sa Quezon City, kung saan nasawi ang isa at dalawa ang sugatan.
Sa isang video na inilabas ng Quezon City Police District, makikita rito ang rambulan ng mga kabataan na nag-ugat umano sa pambu-bully na kinahantungan naman sa pananaksak.
Mapapanood sa video ang pagsusuntukan ng mga lalaki habang pinanonood sila ng grupo ng mga kabataan, na nangyari Martes ng gabi.
Ilang saglit pa, bigla na lamang nagtakbuhan ang ilan sa kanila, matapos na masaksak na pala ang isa sa rambol kung saan napatay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaniyang pinsan at menor de edad na kapatid.
Ayon sa mga paunang ulat, nangyari ang rambulan sa Barangay Santo Cristo sa Quezon City at naisugod pa umano sa ospital ang biktimang 18-anyos, pero binawian din ng buhay.
Samanatala, kapwa sugatan sa pananaksak ang kapatid na 16-anyos ng biktimang namatay, at ang 20-anyos na pinsan.
Inimbitahan sa istasyon ng pulis ang apat na persons-of-interest, na lahat mga menor de edad.
Ang isa sa kanila ay 14-anyos na babae, at ang kanyang pinsan ay 15-anyos, habang 17-anyos ang dalawa pang iba.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinabing kakausapin lang sana ng pinsan ng 14-anyos na babae ang kasamahan ng mga biktima.
Pero bigla na lang daw umatake at nambugbog ang mga biktimang nasaksak.
Ang pinag-ugatan ng gulo ay ilang beses na raw na binu-bully ng kasamahan ng mga biktima ang 14-anyos na babae.
Hindi pa tukoy kung sino ang sumaksak sa mga biktima at hindi pa nabawi ang patalim na ginamit.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…