
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Inilahad ng aktres na si Mikee Quintos na nawala ang kanyang passport sa kanyang pagpunta sa South Korea.
Sa kanyang vlog, ibinahagi ng dalaga ang mga pangyayari sa kanyang Korean trip kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan kung saan nangyari ito noong October bago pa man naganap ang nakalulungkot na crowd surge sa Itaewon.
Masaya naman ang kanilang pamamasyal sa ibang bansa ngunit sa kalagitnaan ng kanyang vlog ay inamin niya na naiwan na siya ng eroplano.
"Nawawala ang passport ko. Lumipad na yung plane, naiwan na ako… May taping ako bukas 5:30 a.m," pagbabahagi ni Mikee.
Kwento niya, ang kanyang ina raw ang nag-ayos ng kanyang mga gamit dahil nang pumunta siya sa kanilang kwarto ay check-out na raw.
"I was so ready to fix my things. Pag-akyat ko ng room, nililinis na yung kuwarto at wala na lahat ng gamit ko, so hindi ko na na-check yung passport ko," saad ni Mikee.
Sa sumunod na araw ay makikita ang aktres na nagpunta ng police station para kumuha ng police report na kakailanganin para sa muling pagkuha ng passport.
Nagpakuha na rin ang dalaga ng ID picture at nagpunta na rin sa Philippine embassy.
"Mukhang things are looking good. Yesterday nawala ang passport ko at kagabi dapat ako uuwi," kwento ng dalaga.
Nagbigay rin ng tips si Mikee sa kanyang mga viewers sakaling mawala rin ang kanilang passport gaya niya.
"If nawala niyo passport niyo, diretso kayo sa police muna. Nagpunta muna kami ng police kasi kailangan ng police report, na kailangan naka-translate in English. Sa tabi ng Philippine Embassy, may nagta-translate so ipi-print na rin nila iyon for you. Doon din kami nagpa-photocopy ng IDs ko, dun din kami nagpa-print ng soft copy ng passport ko na nawala. Tapos kailangan ng four copies ng 2×2 na photo, details ng Korean visa. Naayos namin ang pag-book ng ticket dahil kailangan din yung ticket pabalik sa Pilipinas para ma-approve ang kailangang documents," sabi ng dalaga.