SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Lyca Gairanod, may BF na

Lyca Gairanod,  may BF na
Published on

Ni-reveal na ng singer na si Lyca Gairanod ang kanyang boyfriend nang i-celebrate niya ang kanyang 18th birthday kamakailan at ipinakilala na sa publiko ang non-showbiz guy na si Kyle Walle.

Ang binata nga ang naging escort ni Lyca sa kanyang intimate debut party na ginanap sa isang resort sa Tanza, Cavite nooong November 21.

Ito ay ibinahagi ng isang Cagayan-based vlogger na si David Lañas na lumipad pa papuntang Cavite para daluhan ang isa sa pinakamahalagang selebrasyon sa buhay ng celebrity singer.

Ayon sa mga source, March 2022 pa nang maging magkarelasyon sina Kyle at Lyca ngunit marahil ay hinintay na lamang niya na tumuntong siya sa kanyang legal age bago tuluyang ipakilala sa madlang pipol ang nagpapatibok at nagpapasaya ng kanyang puso.

Wala pa namang pormal na post ang dalaga sa social media patungkol sa kanyang dyowa nang i-check namin ang kanyang Facebook account at tanging ang video kung saan isinasayaw siya ng kanyang ama ang makikita sa account niya na kuha noong 18th birthday celebration niya.

"I'm so very emotional sa tuwing sinasayaw ako ni Papa at sobrang saya ko dahil nakayanan nya and proud na proud ako sayo Papa and mahal na mahal kita at kaming lahat Papa," sabi ni Lyca.

"Pinakamasayang araw na naisayaw mo ako Papa."

May mga nagsasabi pa nga na parang young version daw ito ni Jose Rizal dahil magkamukha raw ang mga ito.

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph