
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nagkuwento ang komedyana at beauty queen na si Herlene Budol sa mga naging karanasan niya sa Uganda upang maging representative ng Pilipinas para sa Miss Planet International na hindi rin natuloy.
Ayon kay Herlene, hindi pa kasi bayad ang tinutuluyang hotel ng ibang mga kandidata pati na rin ang mga van na ginamit kaya naman sinabihan silang manatili muna sa hotel.
Marami pa nga raw mga pulis ang nagsidatingan at nag-imbestiga patungkol sa pangyayari.
Kahit na hindi nag-check in sa naturang hotel ay tila na-hold si Herlene at sinabing kinakailangan niyang manatili sa lugar hangga't hindi nakikilala kung sino ang tao sa likod ng "scam" na patimpalak.
Kaya nga nakiusap siya sa staff ng hotel at sinabing may sarili siyang tinutuluyan at kinakailangan na niyang umalis.
Maging ang iba pang kandidata at ang head ng may-ari ng van ay tumulong kay Herlene upang makalabas ito at makahingi na rin ng tulong sa ibang otoridad patungkol sa dinaranas nila.
At nang tuluyan na ngang nakalabas ang beauty queen ay may mga pulis na humabol sa kanya.
"Paglabas ko, yung ibang pulis siguro hindi nasabihan hinabol ako na may baril. Dalawa po yung humabol sa akin na may hawak na mahabang baril. Sabi ko sa sarili ko, eto na ata katapusan ko," sabi ng dalaga.
Akala pa nga raw ni Herlene ay sa pelikula niya lang ito napapanood ngunit personal nga niya itong naranasan.
Sa katunayan ay hanggang ngayon ay nakararamdam siya ng takot at matinding trauma dahil sa kanyang naging experience.