
(Photo from Unsplash)
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na kinukonsidera nito ang isang moratorium o pansamantalang pagpapaliban sa ban ng pagbabawal sa pagtinda ng imported na salmon at pampano sa mga palengke lalo't sa Diyembre 4 na aarangkada ang pagbabawal sa pagtitinda ng mga nasabing produkto sa mga pamilihan.
Ayon sa DA, aalamin rin nito kung napapanahon pa ang patakaran dahil 1999 pa ito nilagdaan, kaya naman kinukunsidera nila na magpatupad ng moratorium sa ban na ito sa harap ng mga negatibong pahayag at reaksyon ng mga mambabatas at publiko sa ban.
Inaasahang sa Sabado iaanunsyo ng DA kung itutuloy ang moratorium at kung sakaling matuloy ay hindi na muna kukumpiskahin ang ibinebentang salmon at pampano sa mga palengke na sisimulan dapat sa Linggo.
Samantala, magkakaroon naman ng signature campaign ang ilang fish vendor sa harap ng napipintong ban.
Kasama sa mga nag-organisa si Teresita Sta. Ana, na maghahain ng petisyon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na payagang makapagtinda nito hanggang Pebrero.
Ngayong Holiday season kasi inaasahan na mas marami ang mamimili nito.
"Sana po nakikiusap kami na kung talagang gustong tanggalin ng gobyerno nakikiusap kami na makahanap ng alternative na huwag naman bigla bigla papano kung ito lang ang pinagkakakitaan namin hindi naman po ganon kadali magpalit ng hanap buhay," saad ni Sta. Ana.
"Sa totoo lang napakahirap ng pinagagawa ng gobyerno lalo kami nagpandemic, nagtitinda kami nagbabayad ng pwesto wala namang bumibili," dagdag pa niya.
Ang pagbabawal sa pagtinda ng pink salmon at pampano ay base sa fisheries order no. 195 kung saan ang aangkating mga nasabing isda ay dapat para sa industial use lamang.
Umaasa ang mga nagtitinda na maririnig ang kanilang apela.
Kung matatandaan, umalma ang ilang mambabatas sa utos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipagbawal ang pagbebenta ng mga imported salmon at pampano sa mga palengke at supermarket.
Kinuwestiyon ni Sen. Raffy Tulfo kung bakit maliit na vendors ng mga imported na isda ang pinag-iinitan sa patakaran.
Pabor naman si Sen. Grace Poe na huwag munang ipatupad ang utos at amyendahan ito.
Samantala, nais namang paimbestigahan ni Cavite Rep. Elipidio Barzaga ang isyu.
Gusto umanong malaman ni Barzaga kung may nalabag ba sa Saligang Batas at kung makabubuti sa karamihan ang kinekuwestiyong patakaran.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…