LOVI POE,MARAMING NATUPAD NA PANGARAP

Aminado ang aktres na si Lovi Poe na simula noong malipat siya ng network ay napakarami na rin daw natupad sa listahan ng kanyang mga pangarap.
Mahigit isang taon pa lang sa ABS-CBN si Lovi pero parang napakarami nang nangyari sa kanyang showbiz career.
"Life's been great. My soul has been searching for growth, and that's what I've been going through. I've been growing since the day I became a Kapamilya," sabi ng dalaga.
Bukod sa tagumpay ng "Flower of Evil" nila ni Piolo Pascual sa Viu at iWantTFC, kung saan ipinakita niya ang galing sa drama at action, bumida rin ang dalaga sa iWantTFC GL (girl's love) series na "Sleep with Me" kung saan nakatambal niya si Janine Gutierrez.
Napapanood din siya sa long-running concert variety show ng ABS-CBN na "ASAP Natin 'To" every Sunday
"I've been stepping out of my comfort zone, and I've been having a lot of dreams come true. It's been great," sabi ng aktres.
"Ang dami kong natutunan dito. Sa lahat ng mga nakatrabaho ko, from our directors, our production, our cameramen, sound, everyone. Kung anuman 'yung natutunan ko sa kanila, mauuwi ko siya at madadala ko siya sa next na trabaho na gagawin ko. When you start doing another project, it's not just a project na bubuuin mo. It's always a learning experience for me. It's always like going to class. Lahat ng nakatrabaho ko dito, 'yung level of body of work na nagawa nila, I'm always in awe. Sarap ng feeling," sabi pa ni Lovi.
Ibinalita rin ng aktres na may susunod na project na siya sa ABS-CBN, "Yes, but you will find out another time. Soon!"
Samantala, tinatawagan naman ang lahat ng "modern, fearless and fun" individuals seeking beauties out there.
