Glaiza de Castro, nagsukat ng wedding gown

Wala na talagang makakapigil pa sa kasal ng aktres na si Glaiza de Castro at ng kanyang Irish husband na si David Rainey dito sa Pilipinas sa ikalawang pagkakataon.
Naipangako na kasi ni Glaiza na magpapakasal sa ikalawang pagkakataon ang married couple dito sa bansa.
Unang ikinasal sina Glaiza at David sa Northern Ireland noong October, 2021 pero nagdesisyon nga sila na magpalitan muli ng "I do" sa kanilang second wedding.
Ayon kay Glaiza, hindi pa sila nagpapalitan ng singsing ni David dahil gusto nga nila itong gawin sa kanilang church wedding dito sa Pilipinas.
Sa ngayon ay nasa preparation stage na ang mag-asawa base na rin sa ipinost ni Glaiza sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang pagsusukat niya ng bagong wedding gown.
"It's getting real. Initial fitting on my wedding gown with none other than nanay (na ngayon pa lang emotional na). Ang saya lang makipagbatuhan ng ideas at chikahan with (Jo Rubio) and I think he's the perfect designer kasi gets niya agad vision ko at pareho kami ng outlook sa buhay. Sobrang nakaka-excite lahat," ang inilagay na caption ni Glaiza sa kanyang IG photo.
Wala pang karagdagang detalye na ibinibigay si Glaiza tungkol sa eksaktong petsa at lugar ng kasal nila ni David.
