

Super-busy ang aktres na si Shaina Magdayao kaya kahit birthday niya ay nagtrabaho pa rin siya para sa kanyang kauna-unahang international project.
Tatlong buwan matapos ang pag-ere ng pinag-usapang finale epispde ng ABS-CBN series na "FPJ's Ang Probinsyano," masayang ibinalita ni Shaina na balik-trabaho uli siya bago matapos ang 2022.
Excited na ibinalita ng aktres sa madlang pipol ang napakaganda at bonggang blessing na natanggap niya para sa kanyang 33rd birthday last November 6.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang plano sana niyang magbakasyon sa isang "paraiso" para doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
"Planned to go to #Paradise for my annual #birthday escape …but as always, life has a different plan. First time ever to work instead of taking a birthday leave. But I'm definitely not complaining ….because I still have been waking up in #Paradise for the past few days!" sabi ni Shaina sa caption.
Kasunod nito, ibinalita nga niya na nagtatrabaho siya ngayon sa halip na nagpapakasaya at nagpapakaligaya sa bakasyon.
"Day 6 as Maria Manalo here in #CEBU for some unexpected work that I consider HIS early birthday gift," pahayag ni Shaina. "Can't wait to tell you more about my surreal and awesome (def an understatement) first time experience to work for an international series. SOON. Sooo grateful for His birthday surprise. PS My heart is overwhelmed with all the looooove and greetings ….and the surprises! Just got back to the hotel from work."
Ang "Almost Paradise" ay isang international American-Filipino crime drama series na kinunan sa Pilipinas. Ang kinukunan ngayon sa Cebu ay ang second season nito.
Ito ay ipinrodyus nina Dean Devlin at Gary Rosen na pinagbibidahan ng lead actor na si Christian Kane.