Angel Locsin, namimiss na ng netizens

Angel Locsin, namimiss na ng netizens

Maraming mga netizens na ang naghahanap ngayon sa aktres na si Angel Locsin dahil ilang buwan na umanong tahimik ang aktres sa social media.

May limang buwan nang wala sa bansa si Angel kasama ang asawang si Neil Arce dahil buwan ng Hunyo sila tumulang patungong Spain para sa much needed vacation at late honeymoon na rin.

Ayon sa ilang mga netizens, si Angel kasi ay laging present kapag may mga nangangailangan at ngayon ngang sunud-sunod na bagyo ang dumating sa bansa, hinahanap na siya ngayon nang mga nais magpatulong sa kanya.

Real-life Darna sa totoong buhay ang turing ng ilan kay Angel dahil ilang taon na ring ginagawa ng aktres na kapag may mga ganitong problema ay nangunguna siya para maghatid ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa Mindanao area.

Wala sa bansa sina Angel at Neil kaya wala siguro umanong tulong na maasahan ang mga kababayan nating biktima ng baha dahil sa bagyong Paeng at kaya kaliwa't kanan ang paghahanap sa kanya na mababasang komento sa kanyang Instagram post.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph