Angel Locsin, hindi pa hiwalay

Angel Locsin, hindi pa hiwalay

Taliwas sa mga ugong na naglalabasan na hiwalay na umano ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang asawang si Neil Arce ang inilabas na larawan ng aktres sa kanyang Facebook account.
"Together forever (emoji heart). [Team Angel PH]," sabi ni Angel sa caption.

Ang bilis umakyat ng bilang ng engagement pagkapost ni Angel ng mga larawan nila Neil na umabot sa 6,000, 51 shares at mahigit 200 comments bago mag hatinggabi kanina.

Matatandaang maraming haka-hakang baka kaya hindi nagpaparamdam ang aktres ay dahil may pinagdadaanan siya dahil hiwalay na sila ni Neil.

Nag one plus one kasi ang netizens na hindi sinasagot ni Neil ang mga tanong sa kanya sa kanyang Instagram account kung kumusta at nasaan si Angel.

Nag-post kasi si Neil sa kanyang IG na nagpo-promote ng show na ang venue ay sa resto bar sa Timog Avenue, Quezon City na part owner siya.

Marami ang nagtanong sa hubby ni Angel tungkol sa kanya pero hindi sila sinagot nito.

Kaya may mga haka-hakang hiwalay na at kung anu-ano pang pinalutang.

Pero nakakatuwa naman ang mga komentong nabasa namin sa post ni Angel dahil binabati sila ni Neil ng 'congratulations' na inakalang 'nagpakasal' sila.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph