
Mukhang natagpuan na ng aktres at singer na si Vina Morales ang kanyang "the one" dahil sa isang video na ipinost niya sa kanyang Instagram page na kuha sa Boracay ay may narinig kaming boses ng lalaki at ang background music ay "I Feel Good" ng PinkSweats.
"I feel good (music and happy emoji). Thanking all the hospitable staff of @crimsonboracay hotel. You made our stay so wonderful (smiley face with heart emoji) it's worth going back! Salamat po!" sabi ni Vina.
May nauna pang IG post si Vina kung saan may ka-dinner siyang foreigner-looking sa beachfront ng hotel.
"Toasting to what I'm thankful for. Happy thanksgiving! #thankful #grateful. Thank you @movenpickboracay for preparing this sunset thanksgiving dinner," ang caption ng aktres.
Sinundan pa ito ng solo picture ni Vina na may nakasulat na, "One of the activities we did in boracay was Island hopping and one of the popular island destination is in Crystal Cove. It's nice to be back after a long time."
Nasa bangka naman ang sumunod na larawan ng dalaga, "No filter needed, just the beautiful sunlight in boracay island. Will be posting more of the crystal boat photos taken by kuya photographer. Salamat po!"
Sa isa pang litrato ay kasama na ni Vina ang guy sa bangka, "Enjoying the beautiful boracay island #itsmorefuninthephilippines #thankful #grateful."
May mga ispekulasyon na mukhang may bagong pag-ibig si Vina dahil na rin sa mga komento ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.