
Aminado ang aktres na si Nadine Lustre na kung may nais siyang burahin sa kanyang nakaraan, ito ay ang pagiging magastos at pagbili ng kung anu-anong bagay na hindi naman niya kailangan.
Ayon kay Nadine, type niyang burahin ang pagiging magastos niya noon lalo na sa walang kapararakang mga bagay.
"Feeling ko yung paggastos ko before nu'ng mas younger pa ako ang gusto kong i-delete. Kasi I guess back then, siyempre gusto mo lang din mag-spend nang mag-spend on anything. Tapos ngayon kapag iniisip ko siya, 'Bakit kaya ako gumastos para du'n?' Parang sayang lang," saad ni Nadine.
"Kasi now, mas nagiging maingat na ako when it comes to spending. Pero kapag iniisip ko talaga yung mga pinagkagastusan ko dati, 'Ba't ko nga ba binili yun? Ba't ko nga ba ginawa yon?'" dagdag niya.
Samantala, hindi naman daw masyadong nahirapan ang award-winning actress sa paggawa ng "Deleter" na isang horror-suspense na idinirek ni Mikhail Red.
"To be honest, for me hindi naman po ganu'n kahirap mag-imagine. Kahit naman nung mas bata ako very imaginative ako. Talagang aaralin mo lang yung eksena and sometimes ini-imagine mo talaga kung paano mo ito gagawin, kunwari sa line or kung ano yung aksyon mo," paliwanag ni Nadine.
"I think it also helps na mahilig din po ako sa horror films, so in a way meron po akong mga reference. Pero mahirap talaga yung mag-imagine ng may kaeksena ka, yon yung pinakamahirap. Kasi it's all on your head, eh. Parang yung eyes mo it doesn't really do much kasi nga wala ka namang nakikita. So marami pong inner monologue at yon po yung technique ko don in most of the scene," dagdag pa niya.