SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Mag-ingat sa BQ.1 subvariant!

Published on

Pinag-iingat ngayon ng Department of Health (DoH) ang sambayanan sa kumakalat na BQ.1 omicron subvariant ng COVID-19 dahil nagpapatuloy pa rin ang banta nito sa kabila ng mga pagluluwag sa alert level restrictions at pagsusuot ng mask.

Payo ng mga eksperto, kailangan pa ring magsuot ng mask kung pupunta sa mga matataong lugar dahil malaking konsiderasyon ito sa pagpasok ng BQ.1 omicron subvariant sa bansa na pinaniniwalaang mas nakakahawa.

Sabi ng DoH, posibleng umabot sa halos 2,300 kaso kada araw ang maitatalang kaso sa bansa sa pagtatapos ng Disyembre.

Dahil dito, paalala ni infectious disease expert na si Rontgene Solante na mag-ingat.

"Whether you are the vulnerable or not vulnerable, you must be wearing face mask both indoors and outdoors. Especially outdoors when in the supermarket or palengke and public transportation. As much as possible, if they can shy away from karaoke [please do] because there is too much aerosolization when you [are] singing," sabi ni Solante.

Dagdag niya, kung maaari, iwasan ang kuwentuhan nang malapitan kapag kumakain at importanteng huwag nang ipilit na lumabas kung may sintomas kahit nakasuot ng mask.

Kung magkakaroon ng sintomas, mahalaga pa rin ang isolation at pagsasailalim sa RT-PCR tests.

Makakatulong din ayon kay Solante ang pag-inom ng vitamins, paggamit ng alcohol, tamang paghuhugas ng kamay at iba pang pag-iingat.

Pero pinakamahalaga aniya ang pagsusuot ng face mask dahil ito ang magsisilbing pinakamabisang proteksiyon laban sa virus at iba pang impeksiyon.

"Di naman natin sinasabi na ibalik natin ang mandatory (wearing of) face mask. We're putting the responsibility to people para masanay sila what's good for them. That's how we move with the pandemic. In other countries like U.S. or Korea, they totally abandoned the face mask and the cases are increasing. It's a matter of our own choice. If you don't want to get sick, wear a mask," sabi ni Solante.

Opsyonal na sa ngayon ang pagsuot ng mask, na isa sa pinakamalaking pagbabago sa COVID-19 protocols sa bansa ngayong taon.

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph