
Mukhang nagiging solid na ang mga alingasngas na si Julia Montes na at Coco Martin dahil sa isang larawan na ipinost ni dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Fumiya Sankai kasama si Julia at Coco sa Japan.
Base sa ipinakitang video sa "Showbiz Now Na" YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika, makikitang naglalakad sina Coco at Julia sa isang kalye Japan na walang suot na mask at magka-holding hands pa.
Ipinakita rin na naglalakad ang CocoJuls na naka-jeans ang aktor with baseball cap at ang aktres naman ay nakaputing sneakers at nakasuot ng mahabang jacket. Sweet-sweetan ang rumored couple sa kanilang pamamasyal.
Hindi naman din siguro makakaapekto sa "Labyu with an Accent" kung pag-usapan ang tungkol sa relasyon ng dalawa dahil hindi naman loveteam sina Coco at Jodi Sta. Maria na alam din ng lahat kung sino ang karelasyon nito ngayon.
Ang "Labyu with an Accent" ang official entry ng Star Cinema sa 2022 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa December 25 na idinirek nina Malu Sevilla at ng aktor mismo bilang si Rodel Nacianceno mula sa panulat Patrick Valencia.