Angelica Panganiban, may bagong hugot



Nagsimula nang maipatupad nitong Sabado ang unang bahagi ng P85 dagdag sa pang-araw-araw na sahod ng mga manggagawa sa…

Inilagay na sa high alert ang Southern China habang nasa 340 000 na ang inilikas dahil sa Bagyong Noul (dating Kiyapo).

Umani ng batikos ngayon si Unkabogable Star Vice Ganda matapos ang kanilang skit na "Memerimar" sa show na It's…

Inanunsyo ni LeBron James na tutungo siya sa Philadelphia para sa huling yugto ng kanyang dawamput-apat na taon sa…

Napagkamalang may dalang ilegal na droga ang isang 17-anyos na Grade 9 student sa Bacolod City matapos makitaan ng…
May paalala ang aktres na si Angelica Panganiban sa mga newbie sa showbiz:
"Huwag kayong puchu-puchung mga artista, huwag kayong mga charot-charot!"
Iyan ang isa sa mga hugot ng aktres at first-time mommy nang ibahagi niya ang kanyang speech nang tanggapin kanyang ang award para sa 28 years niya bilang Star Magic artist.
Isa si Angelica sa mga binigyan ng pagkilala sa Star Magical Christmas thanksgiving event na ginanap sa Sheraton Manila Hotel sa Pasay City.
Bago siya tawagin on stage, ipinalabas muna ang isang video na naglalaman ng mga highlights ng kanyang career na tumatakbo na ng tatlong dekada.
"This is so unfair. Napakarami kong katrabaho sa industriya para maabot ko itong ibinibigay nila sa akin. This is so unfair!" sabi ni Angelica. "Siyempre, ang saya ko na binibigay ninyo ito sa akin, itong recognition na ito. Thank you so much. Pero ang dami kong kasama para ma-achieve ito."
Sa isang bahagi ng kanyang speech, nagbigay nga ng advice ang aktres sa mga baguhang artista pati na sa lahat ng mga nangangarap na pumasok sa mundo ng showbiz.
"Napapansin ko kasi napakaraming younger artists na nag-a-aspire na maging artista rin, na gusto ring tahakin itong kung anumang nangyayari sa amin. Alam niyo, siguro, patience. Patience, tiwala, communication. Tatag ng loob. Paulit-ulit kayong susuko. Sasabihin niyo, hindi yata ito para sa inyo. Pero magugulat na lang kayo, isang araw, binibigay nang binibigay, pinapamukha na para sa 'yo nga yata," sabi ni Angelica.
"Ako, naniniwala ako, hindi ako naging paborito. Hindi ako favorite child. Hindi ako 'yung cute na baby na ito 'yung ilalagay nila, ito 'yung mangunguna kasi ang ganda nito, kasi ang taba ng luha nito. Hindi po ako ganu'n. Ako po 'yung maldita, ako po 'yung kontrabida. Kaya noong binigay ako ni Sir Deo ng chance na maging bida-kontrabida sa 'Rubi,' ginrab ko na 'yung opportunity na 'yun," dagdag ng aktres.
"Ang pinaka-success talaga, kailangan niyo makinig lahat, kailangan niyong maging mabait sa lahat ng katrabaho niyo, sa lahat ng staff, ng crew, ng utility. Lahat ng 'yun, magiging boss niyo one day. Maniwala kayo sa akin!" sabi pa niya.