
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Umalma ang mga residente sa isang komunidad sa Novaliches, Quezon City nitong Martes matapos ang pagpapatupad ng demolition order sa lugar kaya nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga magdedemolish at mga residente.
Binitbit ng mga apektadong residente ang poste ng ginibang basketball ring para iharang sa entrada ng kanilang lugar sa Geronimo Street at ayon sa kanila, ayaw nilang papasukin ang demolition team na gigiba sa kanilang mga bahay matapos hindi magkasundo sa hinihiling nilang kondisyon.
Aminado naman ang mga residenteng hindi nila pag-aari ang lupa na kinatitirikan at payag naman silang umalis pero ang pakiusap nila ay sana'y mabigyan sila ng relokasyon at pera para makapagsimula muli.
Nauna nang inalok sa mga residente ang P5,000 pero itinaas ito sa P10,000 matapos pumalag ang mga residente.
May ilang residente nang pumayag sa P10,000, pero may higit 60 pa ang ayaw umalis, kabilang si Teresita Baldano na tumatayong lider ng mga tumututol na residente.
"Hindi kami tatanggap ng P10,000. Ang gusto namin 'yong relocation," sabi ni Baldano.
"Nagsikap ako na ipagawa ang bahay ko, tapos gaganyanin lang nila," sabi naman ng isa pang residente.
Ayon kay Carol Bulacan, assisting sheriff ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84, kakausapin ulit nila ang mga tumangging residente kapag natapos matulungan sa pagbabaklas ang mga pumayag.
Taong 2019 pa dapat ide-demolish ang nasa higit 100 bahay pero ngayon lang ito itinuloy dahil sa COVID-19 at pakiusap ng mga residente.
Idinulog na rin ng mga apektadong residente ang problema sa lokal na pamahalaan ng Quezon City pero wala pa umano itong tugon.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…