
Rumesbak na ang sexy actress na si AJ Raval nang kumalat ang balitang nanganak na umano siya at sa kanyang social media ay nag-post kaagad ang Vivamax artist ng larawan niyang flat ang tummy kasama ang dalawang inupahan para maglinis ng kanyang bahay.
Sa video post ni AJ sa kanyang IG, napiktyuran siya habang nililinis ang salas, mga sofa, banyo at iba pang parte ng bahay.
"Taking care of yourself means taking care of your environment," sabi ng dalaga sa post.
Sinadyang i-post ito ni AJ para siguro pabulaanan ang mga balitang nanganak na siya dahil nga walang pagbabago sa katawan niya.
Pero ang mga netizens, may hamon pa rin sa dalaga na dapat ay may maipakita siyang pruweba para maniwala ang mga ito na hindi nga siya nanganak.
"Ang tanong kailan ung kuha ung pic nya na yan," sabi ng isang netizen.
"Haha kung totoong nagbuntis siya ang galing niyang magtago. Kahit old pics di halata eh, tapos may movie pa siya na malamang shinoot lang around Oct Nov," dagdag pa ng isa.