
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nais ng Office of the Ombudsman na imbestigahan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung bakit ngayon lamang umano nito ipinatutupad ang pagbabawal sa pagbebenta sa mga palengke ng imported na isda gaya ng pampano at salmon na walang sertipikasyon.
Kung matatandaan, inanunsyo noong nakaraang linggo ng BFAR na ipagbabawal na simula Disyembre 4 ang pagbebenta ng pink salmon at imported na pampano sa mga palengke at supermarket alinsunod sa Fisheries Administrative Order No. 195.
Itinuturing umanong ilegal ang mga isda dahil walang certificate of necessity to import ang mga ito.
Ayon naman sa Ombudsman, nais nilang malaman kung bakit ngayon lang ipinatutupad ang utos gayong 1999 pa nilagdaan ang utos.
Sinabi ni BFAR information and fisherfolk coordination chief Nazario Briguera, makikipag-ugnayan sila sa Ombudsman kaugnay sa imbestigasyon at nilinaw niya na matagal nang pinatutupad ang utos at mas maghihigpit lang ngayon dahil dumarami ang mga reklamo ng mga lokal na mangingisda tungkol sa mga imported na isda.
"Masyado na saturated ang market ng imported. Kailangan i-regulate ang mga ganito. Nakakasama sa kabuhayan ng mangingisda," saad ni Briguera.
Ayon naman kay Westly Rosario, chairman for fisheries sa Professional Regulation Commission, makakabili pa rin ng pampano ang mga Pinoy kung pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang local aquaculture.
Sinimulan na kasi ang pagpaparami ng lokal na pampano sa ilang bayan sa Pangasinan.
Pero ang salmon ay hindi talaga umano puwede sa Pilipinas dahil sa temperate regions o malalamig na bansa lang ito nabubuhay.
Samantala, iniimbestigahan ng Department of Agriculture ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pulang sibuyas.
Umabot na kasi ito sa P280 hanggang P300 sa ibang palengke sa Metro Manila.
Hindi pa kinokonsidera ng pamahalaan na mag-angkat ng pulang sibuyas, ani Agriculture Spokesperson Kristine Evangelista.
Bukod sa sibuyas, posible rin umanong tumaas ang presyo ng itlog dahil kumakaunti ang supply bunsod ng bird flu.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…