

How true ang mga kumakalat na alingasngas ngayon na nanganak na umano ang sexy actress na si AJ Raval?
May mga kumakalat kasing mga bali-balita na nanganak na umano ang dalaga noong November 18 or 19 sa isang ospital sa Pasig City.
Sa isang showbiz vlog, ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz ang nagsabi na may nag-confirm na umano sa panganganak ng aktres.
"Pinatotohanan pa ito ni ate Cristy dahil ang alam ko si Aljur (Abrenica) ang source. Pero ito ay mariing pinabulaanan ni AJ Raval na kung matatandaan pa natin ay nagpakita pa ng mga pictures bilang patotoo na hindi siya buntis," sabi ng talent manager sa vlog.
Kung totoo nga ang tinuran ng beteranong talent manager, vindicated na ang beteranong showbiz columnist na si Cristy Fermin, na siyang unang nagsabing nagdadalang-tao ang dalaga.