
Naranasan na pala ng social media influencer na si Zeinab Harake ang pumila sa audition ng Kapamilya reality show na "Pinoy Big Brother" pero inatrasan niya raw ito.
Kuwento ng dalaga, hinding-hindi niya makakalimutan ang mga eksenang pumipila siya sa iba't ibang pa-audition ng ABS-CBN noong bata-bata pa siya at naranasan na rin niya ang lumabas sa telebisyon, at yan ay sa Kapamilya drama anthology na "Maalaala Mo Kaya" hosted by Charo Santos.
Ayon pa kay Zeinab, hindi niya in-expect na magiging bahagi siya ng entertainment at vlogging industry pero inamin niya na bata pa lang siya ay kung saan-saang audition na ang pinuntahan niya.
Karamihan daw dito ay sa mga TV show tulad ng reality show ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother".
"Hindi, eh. Hindi talaga. Pero pinag-aartista ako ng nanay ko dati. Pumipila pa ako sa mga audi-audtion dati sa ABS-CBN, kung saan may audition," sabi ni Zeinab.
Sey ng vlogger, hindi raw natuloy ang pag-a-audition niya sa "PBB" dahil napakahaba raw ng pila, as in isang araw siyang naghintay pero halos kalahati pa lang ang nai-screen.
"Pumila ako sa PBB sa MOA (Mall of Asia) before. Pero parang three days 'yung pila du'n. One day ako nag-antay tapos wala pa kami dun sa kalahati. So umalis na ako, hindi ko na tinuloy. Sobra talaga at totoo 'yung pila," pahayag ni Zeinab.
Binalikan din ni Zeinab sa nasabing vlog kung paano siya nag-start sa pagiging YouTuber. Aniya, nagsimula siyang makilala bilang vlogger dahil lang sa pagpo-post ng mga netizens ng kanyang mga litrato sa Facebook.
Mula raw noon ay kinarir na niya ang paggawa ng mga nakakaloka, nakakaaliw at nakaka-inspire na content sa YouTube.