Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad na ito ng ilang mga hakbnag upang maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon sa pamunuan ng MMDA, kasama na rito ang adjusted operating hours sa mga mall sa Metro Manila, na ipinatupad ngayong Nobyembre.
Sinabi naman ni San Juan Mayor Francis Zamora na bagong talagang presidente ng Metro Manila Council (MMC), papahabain umano ang oras ng duty ng mga traffic enforcer at pahihintuin muna ang mga pagkukumpuni sa mga kalsada, kasama ang paggiba sa tulay sa Sta. Mesa, Maynila para sa NLEX-SLEX connector.
"'Yong NLEX-SLEX connector matutuloy po 'yan. Pero 'yon decommissioning ng Magsaysay Bridge ay sa Dec. 26 pa. So ibig sabihin, magagamit pa ang tulay hanggang December 25. Papalagpasin lang ang Pasko," sabi ni Zamora.
Sa datos ng MMDA noong Nobyembre 10, nasa 398,000 sasakyan na ang naitatalang dumadaan sa EDSA, halos kaparehas ng traffic volume bago ang COVID-19 pandemic.
Inaasahan umanong tataas pa ito nang 10 hanggang 15 porsiyento habang papalapit ang Pasko.
Ayon pa kay Zamora, bagaman hindi mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar, pinag-iingat pa rin niya ang mga tao sa pagpunta sa mga matao at siksikang lugar.
Samantala, ayon sa Manila International Airport Authority, ililipat sa ibang terminal ang ilang biyahe ng Philippine Airlines at AirAsia.
Ito'y bilang paghahanda umano sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa paliparan ngayong panahon ng Pasko.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…