
Nasabak sa hot seat ang aktres na si Belle Mariano nang ma-interview siya sa vlog ng batikang journalist na si Karen Davila dahil talagang maraming mga tanong tungkol sa tunay na relasyon nila ng on-screen partner na si Donny Pangilinan ang ibinato sa kanya.
Ikinuwento naman ng aktres na sa murang edad na siyam ay nagsimula na siyang mag-artista at aminado siya na bata pa lang ay "bida-bida" na siya pagdating sa pagpe-perform.
Ibinahagi pa nga niya na halos isandaang auditions ang kanyang sinalihan para makapasok sa showbiz.
"Well, ever since po talaga, it's always been my passion to enter show business. Kasi ako po, may pagka bida-bida po ako, attitude pagdating sa family members ko. Kunwari may reunion po kami, usually ako 'yung pupunta sa table, magpe-perform, mag-aaliw sa mga titas," sabi ni Belle.
"My tito kasi was from an agency before. So sabi niya, why don't you try doing commercials? So I attended so many VTRs, as in almost 100 to the point na parang nawawalan na ako ng hope," dagdag pa niya.
Sinabi pa niya na kahit ilang beses siyang nabigo sa mga auditions ay hindi naman ito naging hadlang sa kanya na ipagpatuloy pa rin ang kanyang pangarap.
"I think the process, 'yung lahat ng failures na pinagdaanan ko, lahat ng rejections na pinagdaanan ko, it is what made me who I am now," sabi ni Belle.
Ibinahagi pa nga ni Belle ang isa sa pinakamahirap na naranasan at ito raw ay 'yung pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.
"Siguro po that time, I was doing regular schools kasi and sa school ko po kasi hindi sila pumapayag na working ka at the same time you are a regular student. So I had to transfer to a school, I had to look for another school na suitable 'yung situation ko na papayag sila na mag-adjust sila sa time ko," saad ng dalaga.
Nang matanong si Belle sa estado ng relasyon nila ni Donnie, sinabi niya na labis siyang natutuwa nang makilala at makatrabaho ang aktor.
"The more I get to know him, the more I can see how he really is, how genuine he is and how much he loves what he does and how caring he is. It comes through time and yeah, I'm glad I met him," sabi ni Belle.
Sumikat ang DonBelle loveteam dahil sa TV series na "He's Into Her" na ipinalabas noong nakaraang taon.
Simula niyan ay nagkasunod-sunod na ang naging proyekto ng dalawa, kabilang na ang latest movie nila na "An Inconvenient Love."