‘Wag lang mapaghiwalay, magjowa nagbigti
Dahil hindi na marahil kaya pang mabuhay ng 14 taong gulang na dalagita at 29 anyos na nobyo nito sa Sultan Kudarat, pinasya na lamang nilang magpatiwakal nang magkasama sa pag-asang sa kabilang buhay ay hindi na sila mahahadlangan ng kanilang mga magulang.
Wala nang mga buhay nang matagpuan ang magkasintahang kapwa kabilang sa Tribung Teduray at nakatira sa Barangay Pamantingan Esperanza Sultan Kudarat ang magkasintahan na pawang hiniling ng kanilang mga pamilya na huwag nang pangalanan.
Sa ulat ng Esperanza Police, nylon cord ang ginamit ng magkasintan sa pagpapakamatay, na nakatali sa kisame ng bahay kung saan nila pinasyang magsama na.
Base din naman sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, wala namang nakitang foul play sa nasabing insidente.
Napag-alamang tutol na tutol ang mga magulang ng dalagita sa relasyon ng dalawa dahil nga bukod sa napaka bata pa ng babae ay plano nila itong pagtapusin hanggang college.
Ngunit taliwas ang plano ng dalagita at nobyo nito, at sa katunayan ay binabalak na nilang magpakasal lalo na at ubra rin sa kanilang tribo at kultura ng Teduray, ang teenage marriage. at planong pagpapakasal kahit pa pinapayagan ang teenage marriage sa kultura ng Teduray.
