Nikki Gil, sentimental

Nagthrowback ang dating MYX VJ at aktres na si Nikki Gil kasabay ang ika-7th wedding anniversary nila ng mister na si BJ Albert at ipinakita niya ang isang throwback sweet photo sa Instagram.
"Happy 7th anniversary (yesterday lol) @bj_albert (smiling face with hearts emoji) thank you for choosing to love me every day (pleading face emoji) #OnceUponAJawline" sabi ni Nikki.
Kasunod niyan ay may ipinost pa siyang video na kinakanta ang "Araw Gabi" ni Regine Velasquez.
Sabi pa niya, ito ang kanyang naging last minute wedding gift para sa kanyang mister.
"Also unearthed this old video of my last minute wedding gift song number (musical notes emoji) accompanied by some members of the UP Jazz Ensemble, Manila String Machine and of course, the beautiful women in my family (smiling face with hearts emoji)" saad pa ni Nikki.
Maraming kapwa-celebrities naman ang nagpaabot ng masayang pagbati sa mag-asawa.
Kabilang na riyan sina Shaina Magdayao, Iya Villania, Jessy Mendiola, Erik Santos, Iza Calzado, at marami pang iba.
Taong 2015 nang ikinasal ang dalawa at biniyayaan ng dalawang anak.
Bukod sa pagiging MYX VJ at TV host, naging tampok din si Nikki sa ilang teleserye gaya ng "Apoy Sa Dagat," "Maria Mercedes," at "Hawak Kamay."
