

Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bawal na umanong ibenta sa mga grocery at mga palengke ang mga imported na isda sa mga susunod na mga araw o simula sa December 4, 2022.
Kasama umano sa sa mga imported na isda na ipinagbabawal nang itinda ay ang pink salmon at pompano kaya naman ilang mga nagtitinda ang nag-iisip na kung ano ang pamalit sa mga ipinagbabawal na isdang paninda nila.
Ayon sa ulat, matagal nang ipinagbabawal ang naturang mga imported na isd a, 1999 pa.
Batay sa Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195 ng BFAR, ipinagbabawal ang naturang mga imported na isda sa mga palengke upang tangkilikin ng mga Pilipino ang sariling huli natin para matulungan ang lokal na mga magingisda.
Ang puwede lamang magbenta ng ganitong klaseng mga isda ay ang mga malalaking kumpanya na gumagawa ng delata at processed food, at pati na ang mga motel at restaurant na nagse-serve nito sa kanilang menu.
Simula sa December 4, 2022 kukumpiskahin na ng mga awtoridad ang mga tinitindang imported pink salmon at pampano sa mga palengke.
Sa Balintawak Market, P320 ang kada kilo ng Pampano; at P140/kilo ang ulo ng slamon, at P140 ang salmon belly.
Ayon pa sa ulat, mag-iikot ang mga tauhan ng BFAR sa mga palengke hanggang December 3 upang ipaalala sa mga vendor kung ano ang ipinagbabawal na itinda na mga imported na isda.
Samantala, pinuproblema naman sa ngayon ng mga magsasaka sa Pangasinan ang pamemeste ng harabas sa kanilang mga tanim na mais ang mga fall armyworms sa Sta. Barbara.
Problema ngayon ng libu-libong magsasaka sa Pangasinan kung paano mapigilan ang pagkalat ng pesteng harabas sa kanilang maisan.
Apektado na umano ng pamemeste ng harabas ang maghigit 30,000 na mga magsasaka sa Pangasinan.
Aabot na umano sa 10% ng mga maisan sa lalawigan ngayong taon ang sinalakay ng fall armyworm na pumapatay ng mga tanim na mais.
Dagdag ng ulat, mula pa nung magsimulang umatake ang harabas sa bansa noong 2019, tuloy-tuloy umano ang pagsisikap ng Department of Agriculture (DA) na mapuksa ang peste sa maisan.
Target umano ng DA na maagang masolusyunan ang problema lalupa't isa sa pinakamalaking producer ng corn sa bansa ang Ilocos region.
Umaabot umano sa 4 hanggang 5 metric tons ng mais ang napo-produce ng rehiyon.
Patuloy umano ang pamamahagi ng DA sa mga magsasaka ng mais ng iba't ibang pest control upang mapuksa ang harabas.