
Sa pagdiriwang ng aktres na si Rhian Ramos para sa kanyang 32nd birthday, maraming mga netizens ang nakaramdam ng tuwa at naantig sa kabaitan ng dalaga dahil imbes kasi na magkaroon ng bonggang party, ipinagdiriwang niya ang kanyang birthday sa pamamagitan ng isang charity event na handog para sa mga single mom ng Sampaloc, Maynila.
Sa kanyang YouTube vlog, mapapanood na nagkaroon ng livelihood activity ang mga single mother na kung saan ay tinuruan silang gumawa ng liquid dishwashing ng TESDA.
Paliwanag ng aktres, ito ang naisip niya upang may pagkakitaan kahit nasa bahay lamang.
"It's tough enough to earn money for your own living expenses but what if you had kids to take care of and no one to help," sabi ni Rhian. "Of course, we wanted to make it even more legit so the wonderful people of TESDA Camanava joined in to teach our single parents how to make and sell dishwashing liquid, a multi-use and forever needed product, and the kind-hearted companies and sponsors that I've worked with in the past pitched in for the cause and to make the whole experience even more special."
Present din mismo ang kanyang ina na isa ring single mom.
"My mom is here to say a few words open us with a prayer, and obviously support her baby as she herself is also a single parent. A great one and an all-around inspiring woman," sabi ni Rhian.
Bukod sa kanyang ina, suportado din siya ng kanyang talent manager, road manager, boyfriend na si Sam Verzosa, at pati na rin ng kanyang housemate at bestfriend na si Michelle Dee na tinulungan pa siyang ayusin ang event.
Nagpasalamat din siyempre ang aktres sa kanyang fandom na "CybeRhians" na nag-volunteer para sa event.
Ilan sa mga pinamigay ni Rhian sa event ay starter kit ng liquid soap making, grocery items, health products at beauty essentials.
Maraming netizens naman ang natuwa sa dedikasyon ng aktres na tumulong sa kapwa.