
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Iniutos ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang isang masusing imbestigasyon at pagsusuri sa mga natagpuang kalansay sa isang construction site sa loob ng compound ng kagawaran sa Maynila.
Ayon sa DoJ, naibigay na sa forensic team ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kalansay para sumailalim sa pagsusuri.
Huwebes ng hapon nang matagpuan ang mga kalansay habang hinuhukay ang lugar na pagtatayuan ng apat na palapag na gusali sa likod ng main building ng DoJ.
"Merong mga skeletal remains na na-recover because of the ongoing construction. Siyempre, like any, we treat it like a crime scene. So pinatawag natin ang NBI ngayon to look into it," sabi ni DOJ Undersecretary Brigido Dulay.
Ayon pa kay Dulay, layunin daw ng kautusan ni Remulla na mas mabigyan pa ng malinaw na impormasyon kung gaano na katanda, at gayundin ang pagkakakilanlan ng kalansay.
Dagdag pa niya, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na noong panahon pa ng giyera ang mga kalansay dahil may katandaan na ang gusali at compound ng ahensiya.
Kasama sa nahukay ang isang bungo na may butas sa sentido.
Noong 2019, natuklasan din ng mga construction worker ang ilang kalansay habang naghuhukay sa compound ng DoJ.
Kabilang sa nahukay ang dalawang bungo na pinaniniwalaang nakabaon mahigit 25 taon na ang nakararaan.
Samantala, nailalis na ang nasa 60 bangkay na matagal nang nakatengga sa isang punerarya sa Muntinlupa.
Alas-3 ng madaling araw nang magpunta ang mga tauhan ng Bureau of Corrections sa punerarya para kunin sa morgue ang 60 hindi pa nake-claim na bangkay ng mga PDL papunta sa BuCor para ilibing alas-7 ng umaga sa New Bilibid Prison Cemetery.
Ang ilan sa mga bangkay na ito, nasa 11 buwan nang nasa morgue.
Noong Nobyembre 9, nasa 10 bangkay ng PDL ang inilibing ng BuCor matapos madiskubre ang nasa mahigit 176 pang unclaimed na bangkay ng PDLs na nakatambak sa morgue ng punerarya. Ito ang bilang ng mga nasawing PDL mula Disyembre 2021.
Ang protocol ng BuCor, kapag lumalagpas na sa 90 araw na hindi pa nakeclaim ang mga bangkay ay inililibing na ang mga ito sa NBP Cemetery.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…