SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Alex Gonzaga, nagtampo

Alex Gonzaga, nagtampo
Published on

Inamin ng aktres na si Alex Gonzaga na nagkaroon sila ng tampuhan ng kanyang asawang si Mikee Morada noong nakunan ang aktres sa first baby nila.

Ayon kay Mikee, naramdaman kasi niya na ayaw pang magkaanak ni Alex kaya medyo sumama ang kanyang loob.

"Actually, sa totoo, sabihin namin ngayon na medyo nagkatampuhan kami 'nung nalaman niya na pregnant siya. So hindi siya happy," sabi ni Mikee.

Pero tinanggap na lang niya ito at inisip na hindi naman nila kontrolado ang sitwasyon.

"Pero ganun talaga e. So ang way of accepting ko naman 'nung time na 'yun, pinaramdam sayo ni Lord na magustuhan mo maging buntis pero hindi ka pa ready, so hindi pa binigay. So 'yun ang way ko kung paano siya tinanggap kaya sa akin, ang pananaw ko naman ngayon, kung ano ang ipinagkaloob, kung magkaroon o hindi, okay lang," sabi pa niya.

"Kasi hindi naman natin kontrol e. Tulad noon, andyan na tapos wala. So we don't control it."

Pati si Alex naglabas din ng kanyang sama ng loob dahil tinulugan lang daw siya ng kanyang mister matapos siyang iraspa.

"Ako with Mikee, to be honest, nagtampo ako sayo noon. 'Nung time na we came from the hospital and then you just slept. Ang tagal ko sa CR, nagmumuni-muni ako tapos pagkita ko sayo, tulog ka tapos ayaw mo nang gumising, first time 'yun," sabi ni Alex.

"Natulog ka na tapos umalis ka nalang the next day tapos tinext mo ako 'nun about doon and nagkaiyakan pa tayo," dagdag niya.

Paliwanag pa ng aktres na mukhang nagkaroon sila ng misunderstanding nang malaman nila na hindi na mabubuo ang kanilang baby.

"Kaya hindi mo ako sinu-support kasi baka feeling mo, okay ako kasi that time na the doctor said sa trans vaginal na 'okay, hindi na talaga mabubuo 'yung baby, wala na talaga, mag-aantay nalang tayo na malaglag 'yung sack,' paglabas 'nun, 'yung coping mechanism ko kasi noon is 'ay okay, so wala edi okay, ito naman talaga gusto ko eh,'" saad ni Alex

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph