
Binasag na ni Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa ang katahimikan niya matapos siyang matanong ng isang basher kung retokada nga ba siya.
Sa kanyang FB page, nagpost ng video ang dalaga kung saan makikitang kasama niya si Indira Perez Meneses, ang Mexican delegate sa Miss Earth 2022 at aliw naman ang mga netizens at sinasabing tila kamukha ni MJ ang Mexican beauty queen.
Ngunit sa kabila ng mga positibong komento sa kanyang post ay hindi pa rin maiiwasan na mayroong hindi magandang komento na mapapasama.
"Parehas retokada?" comment ng isang netizen sa Facebook post ni MJ.
Halatang hindi nagustuhan ng Pinay beauty queen ang sinabi ng netizen kaya naman dali dali niya itong sinagot pero with grace at poise pa rin.
Sey ni MJ, "Yes, I can afford [wink emoji]."
Muli namang nag-reply ang netizen sabay sabi, "I never said you can't afford, you definitely can… with all your resources. No question with that at all my dear MJ."
Sagot uli ng Miss Universe Philippines 2014, "So what's the point with your comment madam its almost 2023 wake upppp."
"I just said parehas na retokada! That was just it and MJ seconded it by saying she can afford it hahahahahahahahahaha," tila nag-e-enjoy sa pang-aasar na sabi ng basher.
Ang naturang palitan ng komento ay ini-screenshot ng dalaga at ipinost sa kanyang social media account.
"Ma'am Cedric I was bullied in 2011 for having veneers and boobs and waist that's too small, (apparently they insisted I took off my rib but since my waist is not that small anymore I prob grew them back, alien yarn) and that was okay," caption ni MJ.
Dagdag pa niya, "I survived it! But this mindset as we welcome 2023? Eww!"
Umani naman ng napakaraming suporta mula sa mga netizens ang naging Facebook post ng dalaga.