3 wards nadagdag sa NCH

Tatlong bagong wards ang nadagdag sa Navotas City Hospital (NCH), ang pinasinayaaan nitong Huwebes.
Kasama sa pagpapasinaya ng bagong wards ang Kalusugan Check na may libreng eye check-up, HPV testing, pelvic ultrasound, diabetes lectures, RBS screening, visual education para sa mga diabetic patients, dietary advice, PhilHealth Konsulta registration, screening at consultation.
Taong 2018 nang ipatayo ng lokal ng pamahalaan ang NCH upang matulungan ang mga Navoteño na nangangailangan ng medical treatment at health services upang hindi na kailanganin ng mga ito na lumabas pa ng lungsod para makapagpatingin sa ibang hospital.
Tatayuan rin ang NCH ng automated laboratory at pathology services.
