PESO Helpdesk, SME corner inilunsad sa Navotas

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbubukas ng Public Employment Service Office Helpdesk at NavoProdukto Corner sa mismong Navotas City Hall Lobby, kahapon.
Ang PESO Helpdesk ay nagbibigay ng impormasyon sa mga Navoteño na naghahanap ng trabaho at mga aspiring entrepreneurs.
Gayundin, sa mga serbisyong inaalok nito at sa mga programa ng NavotaAs Hanapbuhay Center tulad ng Tulong Trabaho, Tulong Puhunan at iba pa.
Samantala, ang NavoProdukto Corner ay nagtatampok ng mga produktong gawa at ginawa sa Navotas.
Ilan lamang sa mga ito ay fish paste o bagoong, patis, dried anchovy chips, dried squid at de-latang seafood.
