
THE National Press Club led by its president Lydia Bueno (left) and secretary Paul Gutierrez offer flowers and light candles at the NPC grounds for the 37 fellow journalists and media workers who were murdered in the 23 November 2009 Maguindanao or Ampatuan massacre, which is considered as the worst election-related violence in the Philippines. Three years after the verdict has been handed down to the 197 accused in 2019, all victims’ families have yet to receive court-imposed damages.
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Naghihinaing pa rin ang mga kaanak at kapamilya ng mga naging biktima ng Maguindanao massacre, 13 taon mula mangyari ito at ayon sa kanila, partial o hindi pa rin ganap ang hustisyang natamo nila kaugnay sa karumal-dumal na insidente.
Kung matatandaan, inalaw ng mga kamag-anak ng mga biktima ng massacre ang memorial site sa bayan ng Ampatuan noong Linggo at ayon sa kanila ay dalawang taon nila ito hindi nabisita dahil sa pandemic restrictions, kaya naabutan nilang napaligiran ng damo ang mga marker ng mga namatay.
Limampu't walong tao ang pinatay sa massacre, mahigit kalahati ay mga tauhan ng media.
Ayon kay Grace Morales, na namatayan ng asawa at kapatid na nagtatrabaho noon sa diyaryo, nakabinbin pa rin sa Court of Appeals ang apela ng mga nahatulan na sa kaso noong 2019.
Dahil dito, hindi pa rin nila nakukuha ang danyos.
May apela rin sa korte ang kampo ng mga biktima na taasan sa kalahating milyong piso ang halaga ng danyos para sa bawat pamilya.
Pero ayon sa abogado ng pamilya ng 38 biktima na si Atty. Nena Santos, hindi rin maaasahan agad-agad matatapos ang review ng Court of Appeals lalo na't maraming umapela.
Nakaranas din ang mga anak ng ilang namatay na makatanggap ng mga mensahe na nagtuturo sa iba pa umanong sangkot sa pagpatay.
Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines, may 83 pang at large na dawit sa massacre.
Kasama rin ang NUJP sa nagsagawa ng misa at programa sa massacre site noong Linggo.
Ngayong araw ng paggunita ng Maguindanao massacre, may mga aktibidad ang journalists' group at mga mag-aaral sa iba-ibang bahagi ng bansa.
Dito sa Metro Manila, magsasagawa ng kilos-protesta mamayang alas-5 ng hapon sa University of the Philippines Diliman.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…