Jessy Mendiola, may bahay-on-the-go

Nakabili na pala ang aktres na si Jessy Mendiola ng isang customized van o 'yung tinatawag niyang "bahay-on-the-go" na ayon sa misis ng aktor na si Luis Manzano ay nagpa-customize ng van ay para may magamit ang kanyang lumalaking pamilya.
Sa kanyang vlog, nagbigay ng tour ang aktres sa matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng ganitong klaseng sasakyan.
"Isang milestone for me ito kasi gusto ko lang i-share na 'nung nagte-taping pa ako, 'yung gumagawa pa ako ng mga teleserye, pangarap kong magkaroon ng ganitong kotse at magpa-customize. Pero dahil hindi ko pa kaya noon, siguro kasi mas inuna ko 'yung family ko kaysa sa sarili ko," sabi ni Jessy.
"Kaya naisip ko na sayang naman sa pera kung nagte-taping ako tapos lagi naman akong nasa set. Hindi ko naman kailangan ng malaking van or ng customized na van so pinagpaliban ko muna," dagdag pa niya.
Inamin din niya na ang nagtulak sa kanya na bumili na talaga ng van ay dahil na rin kay baby Peanut.
"But I think, ito 'yung reason kung bakit naisip kong bumili at magpa-customize ng van is beacuse of baby Peanut. Si baby Peanut lang pala ang makakapg-push sa akin na bumili ng ganito," sabi pa ni Jessy.
