
Wala pa umano sa isip ng aktres na si Coleen Garcia na sundan ang baby boy nila ng asawa niyang si Billy Crawford.
Sa virtual media conference ng kaniyang psychological domestic thriller movie na Kaluskos, sinabi ni Coleen na "It's a good time na actually, pero it's still up to God pa rin at the end of the day."
Hindi naman daw kasi madali ang magbuntis, manganak, at magpalaki ng baby.
"Na-realize ko din naman, akala ko kasi nu'ng pregnant ako, sabi ko, 'Parang madali lang ito. Nine months lang ang mawawala sa akin,'" sabi niya. "Pero hindi, two years 'yong nawala sa akin, e. And I don't feel it's gonna be cut anytime soon, 'di ba?"
Sa ngayon ay priority umano niya ang unico hijo nila ni Billy na maibigay ang lahat ng pangangailangan nito. Baka magbago daw iyon kung dalawang anak agad ang aasikasuhin nila dahil mahahati ang kanilang atensyon.
"It's not easy and sa akin kasi, gusto ko lang matutukan si Amari. And I feel like if we had another child now…kaya naman, manageable naman. Pero, the way na natutukan namin s'ya ngayon iba," lahad ng aktres.
"Although we can multi-task, mas gusto ko 'yong, you know, focus talaga," dagdag pa niya.
Maipapaliwanag naman daw nila sa anak ang kanilang dahilan kapag dumating na ang panahong maglambing na ito na mabigyan ng kapatid.
"And then, kapag nakakausap na namin s'ya… Nakakaintindi na s'ya, 'di ba? Mae-explain na namin, maiintindihan n'ya. 'Yon 'yong ideal time para sa akin na masundan s'ya," sabi ni Coleen.