SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Angela Morena, may pasabog

Angela Morena, may pasabog
Published on

May pasabog pala ang aktres na si Angela Morena sa pinakabagong movie offering ng Vivamax na "Alapaap" kung saan kasama rin niya sina Josef Elizalde at Katrina Dovey.

Ayon sa ilang mga nakapanood sa advanced screening nito, "disturbing" ang pelikula at unpredictable ang takbo ng kuwento at maging ang mga sex scenes ay may pasabog rin.

Inamin naman ng direktor ng "Alapaap" na si Friedrick Cortez na talagang isa sa mga objective nila ay ang guluhin at pagurin ang manonood kaya sa isang eksena ay ang dami-daming nangyayari.

Sina Josef, Katrina, Ali Asistio, Andrea Garcia, Cheska Paredes, at Luke Selby ay gumaganap bilang magkakaibigan na makararanas ng mga halusinasyon dahil sa droga.

Mahalaga naman ang gagampanan ni Angela Morena bilang isang babaeng miyembro ng tribo na subject ng short film ni Erik.

Sa kanilang pagpunta sa probinsiya kung saan may tribo at babaylan, tuloy pa rin ang paggamit nila ng masamang gamot. At kasunod nga nito ay ang madugong eksena na kahahantungan nila.

Mapapanood na sa Vivamax simula November 18 ang "Alapaap."

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph