
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Malaysian national at iba pang empleyado umano ng isang POGO company nang humingi ito ng tulong dahil umano sa ilang buwan na siyang ginigipit at binubugbog umano ng kanilang amo.
Kinilala ang Malaysian national na si Brandon Lo, at nasagip siya kasama ang iba pa nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng NBI at harangin ang ilang van na dumaan sa William Street kanto ng F.B. Harrison maghahatinggabi.
Pinababa ang mga driver at pinatalikod sa pader, habang sinasagip ng mga awtoridad ang nagsumbong na Malaysian, na anim na buwan nang ginigipit umano ng POGO company, ayon na rin sa timbre ng embahada ng Malaysia.
"They are forcing us to work everyday for 18 hours. It is a scam, it is actually a kind of job scam and also human trafficking," sabi ni Lo.
May mga insidente rin na binubugbog siya at ang iba pa niyang mga kapwa empleyado kapag hindi sila sumusunod sa gusto ng kanilang mga amo.
Bago mailigtas, binugbog pa umano si Lo at ginamitan ng taser.
Ayon sa dayuhan, hindi naman makapagsumbong ang iba pa niyang kasamahan dahil hindi nila alam kung paano.
"Most of the people here are also victims, they are Chinese from China and they couldn't speak in other languages. This is why they have difficulties in asking help from the authorities," sabi ni Lo.
"I feel relieved. We thought that there is no hope, but now yes, I can see hope," dagdag ni Lo matapos masagip.
Dinala ang iba pang empleyado ng POGO na nakasakay sa van sa tanggapan ng NBI para sa kanilang mga pahayag, at ang mga driver na ang ilan ay may dala pang baril.
Walang nadakip na may-ari ng kumpanya, at hindi muna pinangalanan ng NBI ang POGO company habang gumugulong ang imbestigasyon.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…