Jessy Mendiola, suwerte sa biyenan

Aminado ang aktres na si Jessy Mendiola na talagang magiging suwerte ang magiging panganay na anak nila ni Luis Manzano dahil ngayon pa lang ay ang dami-dami nang nagmamahal sa baby.
Sa naging birthday message ni Jessy para sa ika-69 kaarawan ng Star For All Seasons na si Vilma Santos noong November 3, ipinagdiinan ng aktres na napakalaking blessing sa anak nila ni Luis ang pagkakaroon ng lolang katulad ni Ate Vi.
Nitong nakaraan ay naglabas ng vlog ang beteranang aktres at ipinakita niya doon ang mga nangyari noong kaarawan niya.
"If you noticed, talagang close family lang. Very, very simple post-birthday," saad ni Vilma.
Present sa kanyang party ang anak na si Luis kasama si Jessy na eight months pregnant na ngayon at ayon pa kay Ate Vi, hindi dapat mag-alala ang publiko dahil nagpa-antigen test lahat ng bisita.
Ito'y para masiguro rin ang kaligtasan ng lahat ng mga bisita, lalo pa't nagdadalang-tao ngayon si Jessy.
"I love you guys. Thank you very much from the bottom of my heart. Salamat din po sa lahat ng bumati, maraming maraming salamat," sabi ni Vilma.
Narito naman ang mga mensahe nina Luis, Ryan at Jessy para kay Ate Vi.
"Ang wish ko naman kay Momsky as always long life and healthy pero ngayon kapag sinasabi kong long life dahil may parating na bagong blessing sa pamilya para matagal, masaya at happy ang mga kasama ng ating Peanut sa pamilya," ang pagbati ni Luis.
Pagbati naman ni Jessy, "Happy Birthday Momsky. Nakaka-excite kasi parang birthday gift kay Momsky ang pagkakaroon ng baby Peanut. We're very, very happy. And ngayon palang sasabihin ko na sobrang blessed ni Peanut magkaroon ng grandma tulad ni Momsky. And excited po ako du'n."
