Debbie Garcia, nag-target shooting

Nagti-trending ngayon ang bagong post ng Vivamax sexy star na si Debbie Garcia sa social media kung saan ibinahagi ng dalaga ang mga larawan at video clips na nagpa-practice ng target shooting.
Makikita sa kanyang post na naka-focus sa goal si Debbie at talagang pursigido na matuto kung paano ang tamang paghawak at paggamit ng baril.
Umani naman ng samu't saring reaksyon ang naturang post ng sexy star mula sa mga netizens.
May ilan pa nga na nag-tag sa dating "Pinoy Big Brother" housemate at aktres na si Barbie Imperial.
Matatandaang noong Nobyembre 1 nang pumutok ang balita at pag-usapan ng madlang pipol ang diumano'y pananakit ni Barbie kay Debbie.
Nangyari ang insidente sa pagitan ng dalawa sa isang bar sa Quezon City noong October 28 ng madaling araw.
Matapos nga ang diumano'y sakitan sa pagitan ng dalawa ay agad na nagtungo sa police station sa Kamuning si Debbie upang ipa-blotter ang nangyari sa kanya.
Samantala, pormal na ring nagsampa ng kaso ang Vivamax star ng reklamong grave oral defamation, physical injury, at grave slander by deed laban kay Barbie sa Quezon City Prosecutor's Office noong November 2.
