
President Ferdinand Romualdez Marcos Jr visits the stalls of rice, and different produce during the Kadiwa Para Sa Pasko on Wednesday November 16, 2022 at the Molave Covered Court, Molave Street, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City. Photo by Yummie Dingding
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules na malapit na umanong makamit ng bansa ang P20 na presyo ng kada kilo ng bigas na isa sa kaniyang mga pangako noong panahon ng kampanya.
Inanunsyo ito ng Pangulo sa paglulunsad ng "Kadiwa ng Pasko," isang programa ng pamahalaan para mabigyan ng pagkakataong makabili ang publiko ng mura pero dekalidad na mga bilihin diretso mula sa mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyo.
Sabi ng Pangulo, nasa P25 kada kilo ang presyo ng ibinebentang bigas sa mga stall sa Kadiwa at ng National Food Authority.
"Nakita niyo, ang bigas, P25. Palapit na tayo doon sa ating pangarap na mag-P20. Pero dahan-dahan lang, aabutin din natin 'yan," saad ni Marcos.
Bagaman wala umanong magagawa ang gobyerno sa mataas na inflation, dala na rin ng mga pangyayari sa labas ng bansa, nangako si Marcos na tutugunan ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa pamamagitan ng mga inisyatibo gaya ng "Kadiwa ng Pasko."
Sa kabuuan, 11 Kadiwa sites ang binuksan sa Metro Manila at tig-isa naman sa Tacloban City, Koronadal City at Davao de Oro.
Nanawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na gawing permanente ang Kadiwa sites sa Metro Manila para parehong matulungan ang mga konsumer at magsasaka.
Umapela rin ang grupo na sana'y masama rin ang iba pang produkto gaya ng pork at poultry products.
"Kung puwede gumawa ng fixed na store sa mga itong Metro Manila area para at least 'yung mga magsasaka, puwedeng mabagsak doon sa area," ani Sinag President Rosendo So.
Nangako si Marcos na magbubukas pa ng mas maraming Kadiwa sites sa iba-ibang lugar sa bansa.
Base naman sa pagbabantay ng Department of Agriculture sa presyuhan ng bigas sa Metro Manila, nasa P38 hanggang P50 kada kilo ang local commercial rice.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…