
Lumabas ang ilang mga ulat na mayroon na umanong "limitations" ang aktres na si Kris Bernal sa pag-aartista at tila hindi na-inform ang TV production kaugnay dito dahil inayawan ni Kris ang isang love scene sa aktor na si Boom Labrusca sa isang episode ng isang show sa GMA 7.
Ayon sa aktres, hindi na raw siya gumagawa ng love scene be it in the small screen, kaya naman nataranta ang production staff dahil hindi nila akalain na may limitation na pala si Kris.
Magalang naman daw na tinurndown ni Kris ang naturang eksena. Basta ang sabi niya, hindi siya komportable sa mga ganoong eksena.
Hindi alam ng production staff kung sariling desisyon iyon ni Kris o kung ang desisyon na 'wag nang mag-engage sa love scene ay decision ng kanyang dyowa na si Perry Choi.