SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Joyride ng magkasintahan nauwi sa gang bang

Published on: 

Sa halip na kasiyahan ay sa trahedya nauwi ang pagdi-joyride ng isang magkasintahan na hinarang at hinoldap sa Lumban, Laguna, nitong Sabado.

Sa ulat ni Lumban Police chief PCapt. Ed Pacana, 9:00 ng gabi nang mag-joyride at dumating sa Lake Caliraya, Lumban, ang magkasintahang itinago sa mga pangalang Tyresse at nobya nitong si Michonne, pawang 19 anyos.

Ilang saglit lamang buhat nang sila'y makarating para tignan ang ganda ng lugar ay may dumating na tricycle kung saan bumaba ang isa sa dalawang sakay nitong lalaki na nanutok ng baril at nagdeklara ng holdap.

Sa pag-aakalang kukunin lamang ang kanilang mga gamit, ay ibinigay naman ito ng mga biktima ngunit bigla na lamang umano silang sapilitang isinakay sa tricycle.

Dinala umano sila ng mga suspek sa isang madilim at masukal na lugar saka walang ano-anong binatukan ng isa sa mga suspek ng baril si Tyresse.

Dahil doon ay nawalan ng balanse ang lalaking biktima saka sumubsob ang mukha sa lupa.

Hindi pa nakuntento ang mga ito at nilapitan pa ng isa pa sa mga suspek na isinalarawan ni Tyresse na may kalakihan ang katawan, saka walang habas siyang pinagtatadyakan, pinagsusuntok, ibinalibag at pinaghahampas pang muli ng baril.

Nang lupaypay na at masigurado ng mga suspek na hindi na makakapalag pa si Tyresse ay doon na nila nilapitan si Michonne at pinagtulungang gahasain.

Matapos pagsamantalahan ang babaeng biktima ay pinagsasaksak pa ito ng mga suspek habang tinalian pa umano sa leeg ng mga suspek ang nobyo nito.

Upang tigilan na siya ay pinigil na lang nito ang kanyang hininga at nagpanggap na patay na.

Sa pag-aakalang patay na nga si Tyresse ay mabilis ding nagsitakas ang mga suspek, sakay pa din ng tricycle na dala nila.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang magkasintahan at agad na humingi ng saklolo sa mga residente sa kalapit na lugar na silang humingi ng saklolo sa pulisya na nagsugod sa kanila sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa isinagawang follow-up operation, kasama ang biktimang lalaki ay positibo nitong kinilala ang isa sa mga suspek na nakilalang si Danilo Barimbad na inilaglag naman at ikinanta ang kanyang kasabwat na kaulanan ay naaresto rin at kinilalang si Joseph de los Reyes.

Napag-alamang dati na rin umanong may kaso ang mga suspek na may kinalaman sa ilegal na droga at pagnanakaw.

Depensa naman ng mga suspek ay lango umano sila sa alak nang gawin ang kalunos-lunos na krimen.

Samantala, sineguro naman ng pulisya na magdadagdag ng mga nakatalagang pulis sa lugar, lalo na at tourist spot ito.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph