

Aminado ang aktres at beauty queen na si Kylie Versoza na talagang proud siya ngayong siya na ang bagong Tanduay Calendar Girl for 2023 dahil talagang pangarap din niya ang maging calendar girl ng number one rum company sa Pilipinas.
Dagdag pa niya, isang karangalan daw para sa kanya na maihanay sa mga naglalakihang pangalan na naging calendar girls na ng Tanduay.
"It feels surreal to become a Tanduay Calendar Girl, especially if you consider all the strong and beautiful women who came before me like Heart Evangelista, KC Concepcion, and Bea Alonzo. It feels great to be in their company," sabi ni Kylie.
Maituturing na bonus rin daw ang blessing na ito pagkatapos niyang manalo ng Actress of the Year award sa Distinctive International Arab Festival Awards (DIAF) sa Dubai kamakailan.
"I really feel so blessed na tuloy-tuloy 'yong blessings. I really feel so grateful sa mga nangyayari sa akin. That you reap the fruits of your labor," sabi ni Kylie.
Hirit pa niya, hindi pa rin daw nagsi-sink sa kanya hanggang ngayon na nanalo siya ng international acting award for The Housemaid.
"Sobra siyang nakakataba ng puso. Actually, hindi pa siya nagsi-sink in sa akin. Noong nalaman ko, tinanong ko kung sure sila. Sampu kasi 'yong nakasama sa shortlist and I'm glad na ang The Housemaid 'yong nanalo," k'wento pa ni Kylie.
Tungkol naman sa kanyang pagkakapili bilang calendar girl, pinaghandaan daw talaga niya ang pictorial.
"I really prepared for the shoot. I ran, did boxing and workouts. I did pilates, yoga, sauna. Nag-diet ako. Since I'm a pescatarian, I'm on a vegetable diet. I don't eat chicken or pork," kuwento ng dalaga.