Sandara Park, pak na pak!

Naging sizzling ang IG ng K-Pop star na si Sandara Park nang ipost niya ang isang sexy photo na suot ang printed bikini kasabay ng kanyang ika-38th birthday.
Sa caption ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga bumati sa kanyang kaarawan.
"Everyone who congratulated me on my birthday~ So sweet (honey emoji) You're so sweet (cake emoji)," saad ni Sandara sa kanyang caption.
Napa-wow naman ang maraming Pinoy netizens sa alindog ni Sandara at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
"'Di ko kinaya..pag-zoom in ko para akong hihimatayin (fire emoji) ang hot ate."
"She's celebrating her birthday but she's not getting older. How ironic. Forever young Dara indeed. "
"Happiest Birthday queen (crown emoji), you're stunningly beautiful as always (fire emoji) (red heart emoji)"
Matatandaang kamakailan lang ay nagkasama sina Sandara at ang Pambansang Kamao na si senador Manny Pacquiao sa isang South Korean variety show na "Knowing Brothers" para mag-guesting.
Si Sandara ang nagsilbing translator ni Manny sa naturang show.
Taong 2004 nang nag-umpisang sumikat ang K-Pop idol sa Pilipinas matapos sumali sa talent search show na "Star Circle Quest."
Naging katambal pa niya sa maraming proyekto ang ka-batch na si Hero Angeles.
Taong 2007 naman nang bumalik siya sa bansang South Korea at noong 2009 siya nag-debut bilang miyembro ng K-Pop girl group na "2NE1."
