
Abot-langit ang pasasalamat ang ipinaabot ng aktres at 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach para sa kanyang boyfriend at sa kanyang IG, nagbahagi ng appreciation post ang TV host-actress para sa kanyang fiancé, ang travel entrepreneur na si Jeremy Jauncey.
Nagpapasalamat si Pia kay Jeremy sa lahat ng ginagawa nito para sa kanya at sa patuloy na pagsuporta sa lahat ng ginagawa niyang projects, kabilang na riyan ang kanyang charity works
Ayon pa sa dating Miss Universe, nagpo-post naman siya sa social media tungkol sa mga kaganapan sa love story nila ni Jeremy, pero pakiramdam niya kailangan din niyang i-recognize ang efforts nito bilang boyfriend.
"I need to thank this man for being the mooost patient guy ever. He's seen me through all sorts of emotions these past few weeks," chika ni Pia.
Aminado rin siya na may pagkakataong medyo mahirap siyang intindihin pero hindi siya sinusukuan ni Jeremy.
"My moods go up and down and I go from being confident I'm gonna take over the world superwoman to vulnerable little kid who will cry about anything," pahayag pa ng Kapamilya actress. He sticks by me through it all. And loves me the same way. Thank you, my love. Please don't stop meditating," sabi ni Pia.
In fairness, bagay na bagay naman talaga sina Pia at Jeremy, sa katunayan abangers na ang madlang pipol sa magiging wedding nila at sa kanilang future babies.
Last January, 2022 nag-celebrate ang engaged couple ng kanilang second anniversary.