Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Namatay sa isang engkuwentro ang isang miyembro ng Quezon City Police District SWAT team matapos mabaril ng suspek na namatay rin sa kamay ng mga alagad ng batas nang habulin nila ito sa kanyang tinitirahan sa Caloocan City.
Ang suspek ay kinilalang si Martin Luther Nuñez na isang isang dating kadete ng Philippine Merchant Marine Academy. Hinabol ang suspek ng otoridad matapos magpaputok umano ng baril sa Quezon City.
Ang QCPD SWAT member naman ay kinilalang si Police Corporal Noel Ogano,
Naganap ang palitan ng putok sa pagitan ng suspek at mga miyembro ng Quezon City Police at SWAT sa isang subdivision sa Barangay 177 sa Caloocan City nitong Linggo ng hapon.
Tumagal nang ilang minuto ang putukan hanggang sa mabaril at mapatay si Nuñez.
Ayon sa pulisya, bago ang engkuwentro ay nagpaputok ng baril si Nuñez sa Barangay Pasong Putik sa Quezon City. Hinahanap daw kasi nito ang taong nambasag ng salamin ng kotse ng ina niya.
Dito na raw hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa makarating ito sa kaniyang bahay sa Caloocan.
Tinangka pa raw ng mga pulis na kausapin si Nuñez at inalok na sa Camp Karingal na lang matulog kasama ang kaniyang ina para makapag-piyansa agad kinabukasan, pero hindi raw ito nakinig at bigla na lang namaril gamit ang kaniyang Glock 45.
Nailayo naman sa lugar ang ina ng suspek bago nagkaputukan.
Isang opisyal ng Quezon City Police District naman na kinilalang si Police Lieutenant Colonel Jerry Castillo ang sugatan.
Napag-alaman ng pulisya na marami nang reklamo laban kay Nuñez.
"Napag-alaman namin from the barangay captain na talaga namang karakter 'yung tao. Talagang sakit ng ulo. Matitigan mo lang daw sasapukin ka na o tututukan ng baril. Walang pinipili, talagang bully of the neighborhood," saad ni Police Brigadier General Nicolas Torre III, hepe ng QCPD.
May nakita rin daw na magasin ng M14 sa bahay ng suspek.
Sasampahan din daw ng reklamo ng mga pulis ang ina ni Nuñez, na hindi pa nagbibigay ng pahayag.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…